Ako ay isang IT professional, grumaduate ako sa kursong Diploma in Information Technology ng STI.
Nung bata pa ako pangarap maging electronics and communications engineer, yun ang lagi kong sinasabi ko sa mga magulang ko, Kaya nung gumraduate na ako ng hayskul... yun agad ang kursong kinuha ko sa isang kolehiyo sa probinsya namin... Excited ako kasi yun yung gusto ko talaga...ginagawa ko yung best ko para makakuha ng malalaking marka kahit first year pa lang ako.
Pero di ko inaasahan na sa eskwelahan na yun pwede kang pumasa kahit di ka mag aaral.
Isang araw, handa na kaming lahat ng mga kaklase ko na marinig ang announcement ng mga grado.. kabado kaming lahat kasi ito na yung pinakakahihintay namin, ang malaman kung anu ang naging bunga ng aming pagsisikap..
Ang saya ko nung malamang PASADO ako!... pero sa gitna ng pagsasaya ng iba samin..
"Class tahimik!" sabi ng tetsir namin, natahimik kaming lahat.. naghihintay sa susunod na sasabihin ng guro namin. "Karamihan sa mga scholars ang hindi nakapasa..." wika ni tetsir, "Pagkatapos ng klaseng ito... lahat ng scholars puntahan nio ako para maayus natin ang grado nio.." dagdag nia. Nagulat ako sa sinabi ng guro namin... bat ganun?? ibig sabihin ipapasa sila kahit bagsak namn talga? tanung ko sa katabi ko... umiling iling lang yung katabi ko..
Dahil sa pangyayaring ito nagdesisyun akong lumipat ng eskwelahan... gusto ko sana yung kurso pa din na un.. kaso napansin ko'ng nahihirapan na yung ate ko na pag aralin ako...dahil walang wala yung mga magulang ko nung time na yun.. yung ate ko nagpaaral sakin. Ramdam ko kahit di nia sabihin.. hirap na hirap syang iraos ang pag-aaral ko. kaya kinausap ko na sya, "Ate... gusto ko po magshift ng course", sabi ko.. pero parang nabagsakan ng niyog ang naging reaksyon ng mukha ng ate ko...
"2 years nalng po kukunin ko, para di masyadong matagal" dagdag ko, "Anung kurso naman?" tanung ng ate ko. "Kahit anu basta mabilis matapos" sagot ko..."Sge... basta ayusin mo lang pag aaral mo" sabi ng ate ko... natuwa ako kasi kahit papanu pumayag siya...
Nagresearch ako kung anung mga kurso ang magaganda at demand.. Subrang demand yung nursing nun pero di ko na pinag interesan kasi alam ko di ko matatapos yun kung yun ang kukunin ko... at isa pa di ako ganun katapang pagdating sa usapang dugo..
Nasabi ng isa sa kuya ko na may 2 years na kurso sa STI... at kunin ko daw yung Diploma in Information Technology... kasi demand daw ang call center at malaki pa daw ang sahod at kapag IT ka malaki chance mong matanggap sa trabaho.
So yun ang kursong kinuha ko, kasi gusto ko maging "CALL CENTER AGENT" ... at makatulong na sa mga magulang at mga kapatid ko sa lalong madaling panahon..
Hindi ko masyadong pinapansin ang mga programming topics... kasi ang gusto ko maging CALL CENTER AGENT. Dahil dito nahirapan ako sa thesis kasi about programming ang thesis namin..
Sobrang nataranta ako nung sinabing meron lang kaming 3 weeks para matapos at maipresent ang thesis namin..
Sa Kabutihang palad... at sa tulong ng mga kaklase kong magaling sa programming.. nakapasa ako..
ayus! GAGRADUATE NA AKO!!! sigaw ko nung makita ko na pasado ang mga grades ko!! thank you LORD!!...
'Pag ka graduate ko, gusto ko makaluwas agad ng maynila para makapag apply at magtrabaho bilang CALL CENTER AGENT.. kaso di yun ang nasunod...mag aaral na kasi ang anak ng ate ko. Walang magbabantay sa 4 years old na bata... at wala ni isa sa ibang mga kapatid ko ang interesadong magbantay at mag alaga .. kasi daw yung stage na yun ng bata ang pinakamahirap..Gusto ko sanang tumanggi pero sa laki ng utang na loob ko sa ate ko... pumayag akong wag na muna magtrabaho at magbabantay nalng ako ng bata...Isang taon din akong naging YAYO... lalaking YAYA...
Desyembre 2010 nagbakasyun dito sa maynila ang pamangkin kong inaalagaan.. syempre kasama ako.. ako nagbabantay ehh...Bago kami lumuwas dito.. inasikaso ko na lahat ng mga pwedeng magamit sa pag aaply...
Isang linggo na ang nakalipas mula nung nakarating ako dito(maynila) ... pero di man lang ako nagkarun ng chance na mag apply ng trabaho.. sabi ng binabantayan kong pamangkin.."Huwag kana magtrabaho yoyu, Bantayan mo nalng ako" sagot ko... "Hindi pwede... gusto ko din tulungan si mama mo sa pagtulong kina lola mo.. " wika ko..sabay kuha ng mga requirements sa pag aaply.. Nag search ako sa internet kung san ako pwede mag apply as CALL CENTER AGENT.. hanggang sa oras na to.. ito pa din yung gusto ko..kasi malaki SAHOD..
Sa kabutihang palad nabigyan ako ng opportunity na mainterview sa Convergys commonwealth.. ang sabi dapat 9am andun na ako.. ito yung unang interview ko kaya 8:30 pa lang andun na ako... kaso subrang tagal..bago ako maasikaso, kasi madami din nakapila.. 1pm na tsaka pa lang natawag pangalan ko..
"Yes!" bulong ko sa sarili ko nung malaman kong pasado ako sa first stage.. after 1 hour ng paghihintay.. natawag na ulit pangalan ko para sa 2nd stage ng interview..Nalungkot ako nung di ako pumasa sa 2nd stage... "4pm na di pa ako kumakain..di lang din pala ako matatanggap.. nagpunta pa ako".. bulong ko sa sarili..
Sobrang na down ako nung time na yun, kaya umuwi nalng ako, Kinabukasan, nagising ako sa tunog ng cellphone ko.. "May tumatawag. sinu kaya to.." wika ko.. number lang kasi nakalagay..
"Hello..?" pagkasagot ko sa tawag... "hello...Non ikaw to? .. si roly toh.. kaklase mo sa STI" wika nia.. Non kasi tawag ng mga kaklase ko sa akin nung nag aaral pa lang kami. "OO ako toh... " sagot ko... "Napatawag ka! kamusta na? Balita ko bigtime kana daw ahh..??"dugtung ko... "Hindi.. Nagtatrabaho lang ako as Web Developer dito sa sucat.. medyo aus namn sahuran, kahit papanu nakakaipon pakunti kunti.." sabi nia.. "Buti kapa ... kahit papanu nakakatulong kana sa pamilya mo..eh ako.. naghahanap pa lang... "tugon ko... "Yun nga ehh.. nalaman ko na nandito ka sa maynila kaya nagbabakasakali akong naghahanap ka ng trabaho kasi kelangan namin ng dagdag na tao eh sabi ng boss namin yung mapagkakatiwalaan daw kaya ikaw nerefer ko.."sabi nia... "Anu willing kabang matuto at magtrabaho?"dagdag nia.. Sa subrang gusto ko ng magtrabaho.. di ko na pinag isipan .. umuo na agad ako.. at nag impake at nagpaalam sa ate ko.. na dun sa sucat may trabaho at tutulungan ako ng kaklase ko... "eh san ka titira? eh anlau nun..anu uwian ka?"tanung ng ate ko... "Sabi ng kaklase ko kahit dun na muna ako sa tinitirhan niyang apartment .. hati nalng daw kami sa upa..."sagot ko.. "Ahh sge.. pagbutihin mo ha.. at ingat... "wika nia..
Sa subrang Excited ko, nakalimutan ko ng magpaalam sa pamangkin kong tulog pa nung oras na yun..
Pumunta agad ako sa address na sinabi sakin ng kaklase ko at inasikaso namn ako agad... "Willing kaba matuto? Marunong kaba makisama?Maingay kaba?" sunod sunod na tanung ng boss ng kaibigan ko.."Opo! willing po ako matuto, friendly at medjo maingay din po ako..."sagot ko... medyo nag alangan ako dun sa maingay na part.. naisip ko baka bawal dito maingay.. kasi tahimik ang personality nung kaklase kong nagrefer sakin dun... "Ayos pala tong kaklase mo roly!" sabi ng boss ng kaibigan ko kay roly.. "Sge tanggap na yan!... ipaasikaso na yung contrata at yung sa sahod..." dugtong nia...
YES!!! may trabaho na ako! kahit malayo sa pamilya ko at malayo sa ate ko.. basta may trabaho na ako.
Dito na nagsimula ang buhay ko bilang may trabaho. POSITION: web developer
Nung unang araw ko.. ngarag pa ako... tahimik, at subrang naka focus sa pag aaral ng mga gawain at flow....Kinahapunan... binigyan ako ng gawain.. "Ito gawin mo toh... yung reference anjan na sa computer mo.." Challenge sakin to.. kasi hindi nga ako nagfocus sa programming at web development nung nag aaral pa lang ako...
Subrang gulat ko nung makita ang pinapagawa sakin... FLASH Based WEBSITE.. walang wala akong alam sa application na toh..as in 0 knowledge ako...Pero nagpursige ako, pinag aralan ko at pagkatapos ng 2weeks natapos ko namn .. sa tulong na din ng kaklase ko.. Mula nun, yun na ginagawa ko..
At sa wakas natanggap ko na ang UNANG SAHOD KO!! subrang iba yung feeling.. THIS IS MY VERY FIRST TIME NA TATANGGAP NG SAHOD!! pagkatanggap ko ng sahod... dumalaw ako sa ate ko... at buong pagmamalaki kong inabot sa kanya ang envelop.. "ate.. ito yung unang sahod ko" nakangiting sabi ko... "makakatulong na din ako sa'yo.. sa pagtulong sa pamilya natin..."dugtong ko..sabay iyak... di ko napigilang umiyak.. ito na yung simula nung mga goal ko..habang umiiyak ako tumatawa ate ko... bat daw ako umiiyak.. dpat nga daw masaya ako...
2 months na akong Flash Web Developer... medyo familiar na ako sa paggawa ... "paki Update mo yung isang site ng Client natin.. may mga error daw sa program..." sabi ni roly.. sa pagkasabi nia..alam ko na Flash Website yung pinapaaus..."Okay.. sge .. ako bahala.. " sagot ko... So tinignan ko na yung site...
"What?? hind flash site?" gulat na sabi ko... "hindi pa nga ako ganun kagaling sa flash bago na namn toh..anu ng language kaya toh?..."bulong ko... "ASP site yan pre.." sabi nung dating gumawa nun... "search mo nalng panu gawin..medyo magulo din kasi yung client nian ehh.. pag aralan mo nalng.."dugtung nia...Wala na akong nagawa kundi mag aral ulit ng bagong platform.. ASP classic.
Lumipas ang 7 months na ganun ang mga sites na ginagawa ko... salitan lang flash at ASP.. Masaya naman.. pero yung sahod ko di man lang nagtaas.. Sabi kasi ng Team Leader namin na inasikaso daw nia .. pero hanggang ngaun di parin nagtataas..
9 months na akong ASP and Flash Web developer, Bagong project na namn.. Akala ko ASP or flash site to... pero.."Non.. ito bagung project mo, wala kasing gumagamit ng language na yan dito kaya ikaw na gumawa..." sabi ng team leader namin..
Nadismaya ako sa narinig ko.. porke't ako ang bago.. sakin ipapasa yung mga mahihirap na gawain?.."Sge.. ilagay mo lang jan" matamlay na wika ko...hindi ako sure kong gagawin ko o hindi... Pero wala na din akong nagawa at ginawa ko na.. nag aral na namn ako.. this time its PHP programming... Mas madali ko siyang naintindihan kasi halos same format lang sila ng ASP Programming.. sa syntax lang nagkakaiba..
Ngaun may 3 Big knowledges na ako..FLASH and ActionScript, ASP programming at and huli PHP Programming.
Mula nuon... nakafocus na ako sa PHP programming at sa pagdaan ng mga araw mas lalong dumadami natututunan ko ...
Sa pamamagitan ng sipag, tyaga, pagpupursige, pagmamahal sa trabaho,pagiging honest at dasal at pananalig sa diyos...
IT MANAGER na ako ngaun sa kompanyang pinapasukan ko..
Kung mapapansin mo.. its just 2 years..2010 ako nagstart magwork.. and now is 2012..
At ang pinaka mahalaga sa lahat... natutulungan ko na pamilya ko....
"Sa buhay, kelangan manalig,magpursige ,maghirap, at magsikap para makamit ang pangarap" -Non