Napakalaking balita o Kaso ang "Pork Barrel Scam" na pinangungunahan umano ni Janet Napoles. At di maiwasang magbigay ng kani kanilang opinyon ang mga taong apektado dito.
Ang opinyon na ito ay isa sa pinaka gusto ko'ng pagpahayag ng saloobin ng isang ordinaryong mamamayan na nagbabayad ng buwis.
Bakit nga ba?
Dapat fair lang ang laban, If Cadelina Domingo (former household helper
of Napoleses) was detained and jailed as a normal inmates in Makati
Womens Correctional for Qualified Theft in a certain pieces of underwear
and jacket amounting to P200,000 ( 1 underwear and 1 jacket) (ay sus
meyo saan kaya makakabili ng 100k na jacket at panty?) thats all
according to Napoles..so dapat ikulong din sya as ordinary inmate..
Hindi naman sya former President na pwedeng mag avail ng immunity.. dito
kasi lumalabas ang pagkaka iba ng mayaman at mahirap.. Si Domingo was
representing the POOR, Napoles was representing the Rich. Bakit sila
Ricky Cadavero "Kambal" and Wilfredo Panogalinga Jr. alias "Kulot," of
Ozamis Group was not given any assurances to protect their lives despite
of all the death treat coming from their previous bosses.
Bakit ang simpleng tax payer na nagtapon na basura sa maling lugar rehas agad ang hinihimas?
Bakit ang simpleng tax payer na nahuling sa Jay walking kung walang pangbayad ng penalty rehas agad ang hinihimas?
Bakit ang simpleng tax payer magsalita lang nang tama pero di
nagustuhan ng mayaman at kinasuhan ng libel, di pa man ini isyuhan ng
warrant eh arestado na nang mga body guards, guards, barangay tanod at
ibang kamag anak na nakiki simpatiya sa mayaman at nag hihimas ng rehas?
Bakit ang simple pag takas sa security checks nga mga PSG sa
kadahilanang nagmamadali ka, kundi man posas, kulata ng baril at ang
malupet snipper ang babanat sau at pag nahuli rehas pa rin hihimasin mo?
Bakit ang simple tao na walang pambayad ng abugado na
napilitang magnakaw nang gatas sa department store para ipakain sa anak
nyang nagugutom dahil sa di makahanap ng trabaho at iniwan ng adik na
asawa ehh rehas ang hinihimas sa halagang 12 pesos na bear brand
sachet..
Bakit may nakita akong binatilyo sa kalsada walang
ginawang masama sa kapwa pero may ginawang mali sa sarili at labag sa
batas na suminghot ng Vulca Seal or mga Vulca Kids pag nahuli ng mga
pulis preso ang inaabot nila..di pa nakaka gawa ng mali sa kapwa nila
yun..gagawa pa lang..
Ang bakit ay malawak na salita, maiksing basahin pero malawak ang nararating..
Hindi ako aktibong aktibista at hindi rin ako kontra sa gobyerno.. ang
kino kontra ko ang "Bakit" na salitang di ko rin masagot sa sarili ko..
Maraming bakit na tanong ang di masagot, inisip ko tuloy - nung High
School ako, ang pinaka mahirap na tanong sakin ay tanong sa Math, nung
College ako nag level up na ako, nahirapan ako sa tanong ng titser ko
"Paano mo itatama ang Mali, at paano ma reresulbahin ang kahirapan?..
nag trabaho ako, ang pinaka mahirap na tanong sakin, "Ano ang ma i
aambag mo sa kumpanyang ito? nahirapan ako kasi yung tanong sakin nung
college ng titser ko di ko pa nasasagot, eh ito na naman ang tanong na
di ko nga nasagot sa level 1, mag le level 2 pa ba ako.. awa ng diyos
pumasa naman ako at nagkatrabaho..after 12 years nang pag ta trabaho ko,
ngayon ko lang narealized na ang pinaka mahirap na tanong ay "Bakit"
Pag preso ka, tangapin mo ang buhay ng preso, ginusto mo yan eh, porke
ba hindi kilala at hindi mayaman nasa sulok, porke ba mayaman at kilala
nasa aircon? ganun ba yun? abay ibig sabihin naka tangal ang piring ng
hustisya satin at nasisilip kong sino ang nahihirapan at sino ang
nalalaglag sa timbangan ng hustisya.. kaya nga ang image or rebulto ng
korte or ng anumang justice system ay babaeng may piring ang mata para
timbang at pantay ang implementasyon..
Ibig bang sabihin, wala
silang tiwala sa Bureau of Jail and Management? Pwede naman na ipasok si
Napoles sa regular room para sa inmates, then yung dati nyang
kasambahay na inakusahan nya sa maliit na krimen ay ilipat nila ng ibang
selda.. kahit na mag isa lang si Napoles sa Selda okay lang, kahit na
magsama pa sya ng dalawang Jail Guard sa loob ng selda nya pwede naman..
or kahit na isama na nya rin yung mga nagbigay sa kanya ng kontrata sa
mga Bogus NGO's nya na mga Senador at Kongresista ehh pwede naman kasi
baka takot nga naman sya mag isa..
dito lumalabas ang pagkaka
iba.. Si Domingo nasa ordinaryong selda at dumaranas ng hirap at
binabayaran ang krimen na posibleng set up lang sa kanya.. Si Napoles
akusado din sa mas Malalang Krimen pero nasa ligtas na lugar, may Sofa,
May Aircon.. baka malingat lingat pa ang mga Jail Guards dyan baka
dalhin pa ang imahin ng Poong Nazareno sa kwarto ni Napoles.. pati yung
santo na nirerespeto dinamay nya pa..
Mahirap - Mayaman ano ang pagkaka iba.. alam ko mahirap timbangin pero dapat ipinatutupad sa lahat.. Mayaman at Mahirap..
Opinyon ko lamang ito. kung nagustuhan mo, i share mo ito..
by:Web Ayuda - posted on Facebook